October 30, 2024
Aso / Pusa

May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa Tao

Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng rabies virus na maaring ikalat sa pamamagitan ng laway, lalo na kung may mga sugat o pasa sa balat. Bagamat bihirang mangyari, maari pa rin itong maipasa mula sa kagat ng tao sa tao, lalo na kung ang sugat ay malalim o kung mayroong mga dugo sa laway ng biktima.

Sa recorded history ng tao sa rabies wala pa namang documented na nagkaroon na ng rabies at naipasa ito sa ibang tao sa Pilipinas.

Kailan nagkaroon ng human to human transfer ng Rabies

Ayon sa center for disease control ng US, isang beses palang nagkaroon ng rabies transfer ng tao sa tao at ito ay dahil nagkaroon ng organ transfer sa isang tao ng hindi alam na may rabies ang donor ng organ.

Human-to-human transmission of rabies virus has only been documented from infected organ/tissue donors to transplant recipients. There have been no other confirmed instances of human-to-human transmission, including in healthcare settings.” -CDC

Pwede bang mahawa ng Rabies sa hangin?

Ang rabies ay hindi naipapasa sa ihi, dugo o mga tae ng infected na hayop. Karaniwan itong naipapasa sa laway hayop kagaya ng aso. Kapag kinagat tayo ng aso ang laway ay direktang naka contact sa dugo at dadaloy ito sa nevous system natin patungo sa utak.

“Rabies is not transmitted through the blood, urine, or feces of an infected animal, nor is it spread airborne through the open environment.” – Villanova.edu

Pwede bang mahawa sa pagkain ng Hayop ng may Rabies?

Bihira itong mangyari kasi ang rabies ay hindi nakaka survive ng matagal sa labas o open space. Pwede lang itong mangyari kung ang laway na natira sa pagkain ay hindi pa katagal na naexpose sa labas.

Iba pang mga Babasahin

May Rabies ba ang Kagat ng Paniki

Nakamamatay ba ang kagat ng Daga

Nakamamatay ba ang Kagat ng Scorpion?

Ilang araw bago mawala ang Kagat ng Bubuyog

4 thoughts on “May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa Tao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *