October 5, 2024
Aso / Pusa

10 Signs na may Rabies Infection Pagkatapos makagat

Alam ng lahat na napakadelikado ang makagat sa ngayon ng mga stray dogs or cats dahil sa pangamba ng pagkakaroon ng Rabies. Isa sa pinaka famous na namatay sa rabies si Fernando Poe Sr. dahil sa kagat ng tuta naman.

Ang mga aso o pusa talaga ay walang likas rabies. Ang rabies ay isang disease, samakatwid pwede lamang silang magkaroon ng rabies kapag nakagat o nahawa sa ibang hayop na meron nito. Ang rabies ay karaniwan sa mga mammals kagaya ng aso, pusa, paniki at iba pa.

Dalawang klase o category ang rabies kapag nagkakaroon ang tao isang rabid o aggressive at sobrang tamlay naman pero naglalaway na pala.

Kahit kamot o maliit na kagat lang pwede itong lumala kung nandyan ang rabies sa hayop. Ang sintomas din ng pagkakaroon ng rabies ay mahirap malaman maliban kung masabi mo sa doktor na nagalusan ka o pahapyaw na nasugatan ng mga hayop.

Pwede ding mahawa ang mga anak ng aso o pusa na may rabies sa pamamagitan ng gatas ng kanilang ina. Kaya minsan nagtataka ang karamihan paano magkaroon ng rabies ang tuta at hindi nga naman ito gumagala.

At kung once visible na ang mga symptoms ng rabies ay wala ng itong gamot na talaga kahit ma-inject ka pa ng anti rabies. Normally after 72 hours ang tinatagal na lang ang buhay ng pasyente.

Ano ano ang mga 10 Signs or sintomas na may Rabies Infection ang Pasyente

1. Nilalagnat ilang oras o araw pagkatapos makagat ng aso o pusa

2. Palaging sumasakit ang ulot

3. Pananakit sa bahaging kinagat ng aso o pusa

4. Pamamanhid sa bahaging nakagat (pagkakaroon ng labis na pamamaga o nana)

5. Nagdedeliryo o paralisado ang katawan

6. Pamumulikat ng kalamnan

7. Kapag lumalala ang rabies ang taong apektado ay takot sa tubig

8. Pagkatakot at sensitibo sa ilaw o hangin

9. Agresibo at hindi mapakali

10. Nakakaranas ng labis na pagka nerbyos

Provocative na kagat ng Aso o pusa Delikado?

Minsan nakakagat tayo ng mga alaga natin na hayop kapag aksidente natin silang naapakan o kapag hinihimas natin sila. Pero hindi naman dapat pagsimulan ito ng labis na pagkabahala sa pasyente. Dahil may reason naman kung bat sila nangangagat. Sa ganitong kaso kahit very low chance ang rabies nagbabakuna padin ang mga doktor para nalang hindi ma-stress ang pasyente kakaisip kung may virus ba sila o wala.

Ang napaka delikado ay ang tinatawag na non-provocative na pagkagat or yung bigla na lamang tayong kinakagat ng mga hayop. Halimbawa nito kapag dumadaan kalang sa lugar na may mga aso at bigla kang hinabol ng hindi mo naman sila ginugulat. Ganyan ang ugali ng isang Rabid dog (aso na may rabies).

Kailan pwedeng hawakan ang Aso para Hind mangagat

Iwasan ang mga ganitong body language ng aso o pusa, eto yung mga malaki ang tsansa na mangagat sila.

-Kapag ang tenga ng aso ay bumaba patalikod malaki ang chance mangagat.

-Kapag nakabuka ang bibig hindi madalas nangangagat ang delikado ay ang nakatikom ang bibig

-Bahag ang buntot, malaki ang chance mangagat

-Humahalinghing at parang takot, defensive mechanism nila ang mangagat

Listahan ng Animal Bite center sa Calamba

Calamba City Health Office

Address: Calamba City Hall, Brgy. Real, Calamba, Laguna

Contact: +63 49 545 6789

Services: Rabies vaccination and post-exposure prophylaxis (PEP)

Calamba City Veterinary Office

Address: Near Calamba City Hall, Brgy. Real, Calamba, Laguna

Contact: +63 49 545 6789

Services: Rabies vaccination and treatment for animal bites

HealthServ Medical Center

Address: National Highway, Brgy. Halang, Calamba, Laguna

Contact: +63 49 502 1000

Services: Rabies vaccination, wound care, and post-exposure prophylaxis

Calamba Medical Center

Address: Crossing, National Highway, Calamba, Laguna

Contact: +63 49 545 9060

Services: Rabies vaccination, wound care, and post-exposure prophylaxis

CP Reyes Hospital

Address: JP Rizal Street, Calamba, Laguna

Contact: +63 49 545 5815

Services: Rabies vaccination, wound care, and post-exposure prophylaxis

Iba pang mga Babasahin

Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Kung nakagat ng Pusa pwede bang hindi magpa bakuna ng Anti Rabies?

Gamot sa kagat ng “Kissing Bug”

Paano makaiwas sa Kagat ng Aso?

2 thoughts on “10 Signs na may Rabies Infection Pagkatapos makagat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *