September 10, 2024
Aso

Nakagat ng Aso 3 months ago, may Rabies ba?

Dapat bang mangamba kung halimbawa nakagat ka ng aso at hindi ka nagpabakuna? May mga instances na sa sobrang takot hindi makapagdecide ang pasyente na magpabakuna. Tatalakayin natin sa article na ito na madalas ding itanong ng mga readers sa mga beterinaryo.

May rabies ba after 3 months nakagat?

Ayon sa panayam ni  Doc Amel Manalo isang pet veterinary doctor sa Pilipinas hindi naman na ganun kadelikado lalo nat kung buhay naman ang nakakagat na aso. Syempre kapag namatay ang aso or may mga sintomas ng rabies, kailangan mo talagang magpunta sa doktor.

Kung three months ago po yun, para sa inyong impormasyon, three months ago at buhay pa naman yung aso, yung pagkakagat sa inyo na yun walang naitransmit sa inyong rabies.

Almost one hundred percent sure ay wala pong rabies yun kaya maybe it’s pointless to, ano, to have anti-rabies injection at this point.

Pag nakagat kayo ngayon, tapos after fourteen days buhay pa yung aso, yung asong nakakagat sa’yo at that time ay hindi nakapag-transmit ng rabies.

Ang fourteen days or two weeks na pag-observe sa aso ay common sa pilipinas. Sapat kasi ang panahon na ito para makita kung mayroong sintomas ng rabies sa aso.

Bakit maliit ang tsansa na magkarabies sa kumagat na Aso?

Kasi yung rabies virus, pupunta yun sa salivary glands tsaka magrerelease ngayon ng rabies yung aso. Pero within fourteen days na nakarating yung rabies sa utak ng aso, rabies sa virus, mamamatay yung aso within fourteen days. So kung yung aso buhay pa, ibig sabihin walang rabies sa utak yun nung siya ay nakakagat sa’yo.

Maaring asar lang sa’yo yung aso mo, maaari yung aso mo ay naaksidente ka lang dahil sa drives niya, nanggigil lang siya.

So yung aso ninyo ay walang rabies. Hindi lahat ng aso ay may rabies, tandaan niyo yun. Para sa mga readers, hindi likas sa aso ang may rabies.

Yung mga tutang kapapanganak pa lang sa mga nanay nila ay walang rabies yan, unless yung nanay ay may nakakuha rin ng rabies noon ng rabies virus and nagkaroon ng transplacental transmission.

Kung nakagat kayo ng aso or nakalmot ng pusa in the past, pero yung aso naman at pusa na yun ay buhay pa naman or hindi naman namatay within that fourteen day period ay wag na kayo matakot, hindi po yun nakatransmit ng rabies. Wala pa sa utak ni rabies.

Marami kasing nagtatanong ng ganyan, na natatakot sila dahil nakagat sila before at nalaman nila na ang rabies pala ay pwede palang tumagal sa kanyang katawan at it could take months, weeks or months or years pa nga bago ito magmanifest kasi nagtatravel pa yan. So doon sa aso na namatay naman after fourteen days or fifteen days tsaka namatay, malamang naman hindi nakapag-transmit yun. Nangyari yung pagkakaroon niya ng rabies sa utak niya later on, after na nung nakagat ka.

Ano gagawin kapag nakagat ng Aso?

Additional tip, doon sa mga nakagat. Pagka kayo nakagat, siguraduhin nyo lang na i-wash niyo kaagad with soap and water kasi yung rabies virus madaling mamatay.

Isa sa mga viruses yan na pinakamadaling patayin ng heat, ng sabon.

Pwedeng ituro mo sa mga anak mo, pagka naghandle kayo ng animals, pagkatapos na pagkatapos nun, maligo kayo or i-wash your hands.

Kung kamay lang ang ginamit ninyo, wash your hands with soap. Very important yan kasi maraming mga sakit from animals ang napupunta sa tao lalo na kung yung animals na yun ay nasa labas, outdoor dogs kagaya ng mga dogs namin dito.

Kaalaman sa Rabies virus sa laway ng Aso

Ang laway ay isang likido na nagbibigay ng proteksyon sa virus, pinapanatili itong buhay at infectious hanggang sa maipasa ito sa susunod na host (tao o hayop).

Ang moist environment sa loob ng bibig at salivary glands ay tumutulong sa pag-survive ng virus.

Ang pagkalat ng rabies ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng kagat, dahil ang virus ay nasa laway ng infected na hayop.

Kapag nakagat o nakalmot, ang laway na may virus ay maaaring makapasok sa sugat at magdulot ng impeksyon.

Ang pagkalat ng rabies ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng kagat, dahil ang virus ay nasa laway ng infected na hayop.

Kapag nakagat o nakalmot, ang laway na may virus ay maaaring makapasok sa sugat at magdulot ng impeksyon.

Listahan ng Vet clinic sa Palawan

Palawan Animal Health Center

  • Address: Puerto Princesa North Road, Puerto Princesa City, Palawan
  • Contact: (048) 433-2104

Animal Care Clinic

  • Address: Rizal Avenue, Puerto Princesa City, Palawan
  • Contact: (048) 434-7675

Palawan Animal Clinic

  • Address: Malvar Street, Puerto Princesa City, Palawan
  • Contact: (048) 433-2587

Pet Corner Veterinary Clinic

  • Address: San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan
  • Contact: (048) 434-1878

Puerto Princesa Veterinary Clinic

  • Address: Rizal Avenue Extension, Puerto Princesa City, Palawan
  • Contact: (048) 433-3621

El Nido Animal Clinic

  • Address: El Nido, Palawan
  • Contact: (048) 723-0303

Narra Veterinary Clinic

  • Address: Narra, Palawan
  • Contact: (048) 433-2564

Bataraza Animal Care Clinic

  • Address: Bataraza, Palawan
  • Contact: (048) 721-2156

Iba pang mga Babasahin

Gaano katagal ang Anti Rabies sa Katawan ng Tao – Paano malalaman

Kagat ng Hayop (Daga) – Ano dapat gawin?

10 Signs na may Rabies Infection Pagkatapos makagat

Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *