Marami sa atin ang nagtatanong kung ang pusa ba ay pwedeng magkaroon ng rabies. Kasi madalas lang nating mapanood sa telebisyon ang mga nagkakaroon ng rabies ay ang mga nakagat lamang ng mga aso.
Ang pusa ay kasama nga ba sa carrier ng Rabies?
Oo, ang pusa ay kasama talaga din sa carrier ng rabies at hindi lang ang mga aso. Lahat ng mammal kasama ang paniki, baboy, kuneho, daga ay pwedeng mahawa ng rabies at kapag naikagat sa atin ito ay mahahawa din ang tao.
Kung ikaw ay nakagat ng pusa kailangan na ba talaga magpa inject? Ang sagot ay depende kung ito ay nagdugo or hindi nagdugo ng kinagat ka ng hayop, kung saan lugar sa katawan ito kumagat.
Pero diba karaniwang ginagawa ng matatanda ay pinapadugo talaga ang bahagi na nakagat ng pusa o aso para sumamang dumaloy palabas sang rabies. Pagkatapos ay sasabunin nila ito at pagkahugas ulet ay lalagyan naman nila ng bawang. Ganito ang mga ginagawa noong unang panahon ng ating mga ninuno.
So ngayon kapag nakagat ng pusa, agad agad ba na magpa inject?
May mga kaso na binibigyan ang pasyente ng option na hindi magpa inject. Pero ito ay ang kaso na ang mga pusa ay nasa bahay lamang. Ang pusa ay hindi naman talaga may rabies simula kapanganakan nila. Na ta-transfer lamang ito sa ibang mga pusang gala na may rabies. Kapag may interaction sila halimbawa nakakagala ang pusa mo at nakasalamuha ng pusang kalye.
Sa instance na pillin mo ang hindi magpa-inject kailangan bbserbahan ang pusa ng maigi kung magpapakita ito ng mga initial stage ng rabies symptoms. Kasi kung alaga mo ito at hindi naman nakakalabas ay pwedeng wala itong rabies. Kung wala namang nangyari sa pusa sa loob ng ng 3 days to 1 week ay pwedeng safe ang pusa at wala itong rabies nga.
Sintomas ng Pusa na may rabies
Obserbahan ng maigi ang mga sintomas na ito na karaniwang nakikita sa pusa na may rabies. Kung mayroong ganitong sintomas ay kailangan mo na talagang kumuha ng payo sa doktor at magpa bakuna na.
-Nanghihina
-Ayaw kumain
-Nagduduwal
-Pasuray-suray
-Maingay o gustong mangagat
Pero sa mga doktor ang payo talaga ay mabakunahan ka para sa peace of mind. Syempre mas gusto natin na sigurado tayo. May mga tsansa din kasi na matagal bago lumabas ang sintomas ng rabies sa pusa. Baka mas mauna ito ang virus na rabies sa tao kaysa sa pusa.
Kelan ba talaga magpa-inject kapag nakagat ng pusa?
Kapag kinagat ka ng pusa na malapit sa ulo ay kailangan mo talagang magpa-inject ng anti rabies kasi ang rabies virus ay target nito ang mga utak natin. Once makarating sa utak ay wala ng gamot na pwede pa sa pasyente. Lalo na kung ang pusa ay hindi mo alaga or galang pusa, kailangan mo talagang ipa-inject ito.
Kung ang pusa ay hindi naman nga pagala gala at alaga mo ito, obserbahan ito ng maigi para sa mga sintomas pero since mahirap magbakasakali nga, karaniwang ginagawa na sa ngayon ay nagpapa inject ng anti rabies.
Listahan ng mga Animal Bite center sa Bulacan
Bulacan Medical Center (Provincial Hospital)
Address: City of Malolos, Bulacan
Telepono: (044) 791-0630
Our Lady of Mercy General Hospital
Address: 77 Paseo del Congreso Street, Catmon, City of Malolos, Bulacan
Telepono: (044) 796-3030
Santos Animal Bite Treatment Center
Address: Tikay, City of Malolos, Bulacan
Telepono: (044) 791-0630
San Miguel District Hospital
Address: San Juan, San Miguel, Bulacan
Telepono: (044) 764-0783
Calumpit District Hospital
Address: Poblacion, Calumpit, Bulacan
Telepono: (044) 913-0085
Balagtas District Hospital
Address: Borol 2nd, Balagtas, Bulacan
Telepono: (044) 693-5240
Gregorio Del Pilar District Hospital
Address: Barangay Sta. Ana, Bulakan, Bulacan
Telepono: (044) 792-0576
San Ildefonso District Hospital
Address: Poblacion, San Ildefonso, Bulacan
Telepono: (044) 819-4223
Norzagaray Municipal Hospital
Address: Poblacion, Norzagaray, Bulacan
Telepono: (044) 606-1246
Emilio G. Perez Memorial District Hospital
Address: Hagonoy, Bulacan
Telepono: (044) 793-0105
Iba pang mga Babasahin
May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa TaoI
lang beses ba dapat magpaturok ng Anti Rabies Vaccine
One thought on “Kung nakagat ng Pusa pwede bang hindi magpa bakuna ng Anti Rabies?”