September 10, 2024
Aso / Pusa

Ilang taon ang epekto ng Anti rabies sa tao

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi masyadong aware sa pagpapabakuna ng anti rabies. Bagamat alam natin na nakamamatay ang epekto ng rabies sa tao, nagkakaroon na lamang tayo ng pagkukusa na mabakunahan kapag nakagat o nakalmot nalang tayo ng mga pet natin na aso o pusa.

Sa pagkakataon na nagkaroon tayo ng contact sa may rabies na pet hindi natin masisiguro kung kailan lalabas ang mga sintomas nito kaya maigi na maging handa at mabakunahan regularly lalo na kung ang sitwasyon natin ay nag ha-handle ng maraming pets.

Pag-usapan natin sa article na ito ang mga basic na kaalaman sa anti rabies vaccination sa tao para nadin sa protection natin.

General Rules sa Tagal ng Epekto ng Anti rabies sa Tao

Kapag nabakunahan na ng anti rabies ang panahon na epektibo ang vaccine ay ang sumusunod.

1. Kapag 0 – 3 months ng pagkakabakuna ng anti rabies

-Sa panahon na ito ay lubos na mabisa pa ang anti rabies vaccine sa isang tao, kaya kapag nakagat ka sa panahon na ito ay no need to vaccine na ulet. Make sure na itago ang vaccination certificate at ipakita ito sa doktor agad kapag nakagat ng aso o pusa.

2. Kapag 3 months – 3 years ng pagkaka bakuna ng anti rabies

-Kapag nakagat ka ng aso o pusa at may vaccination certificate ka naman pero nag fall ang pagkaka aksidente ng kagat ng aso o pets ay kailanga ng vaccination na.

-Ang tawag dito ay ang booster dose na. Kadalasan ay 2 doses lamang ang binibigay ng doktor

3. Kapag ang anti rabies vaccination ay more than 3 years na

– Sa panahon na ito ay halos wala ng bisa ang anti rabies vaccination natin kaya babalik tayo sa 3 – 4 doses ng vaccination kapag nakagat ng mga pets natin gaya ng pusa at ng mga aso.

Tandaan natin na hindi lamang aso at pusa at naapektuhan ng rabies. Kasama na dito ang mga racoons, squirrel, paniki at mga daga. Pero dahil nga pet lovers ang mga pinoy karamihan ng mga kaso ng kagat sa alaga ay galing sa Aso at mga pusa.

Conclusion

Ayon sa talaan ng department of Health (DOH), noong year 2000, top 3 ang pilipinas sa dami ng case ng rabies sa buong mundo. Mayroong nagaganap na 300 -600 deaths per year na related sa rabies din at karamihan ng nagkakaroon ng rabies ay mga bata.

May pagka traydor kasi ang rabies virus. Dahil may incubation period ito na pwedeng tumagal ng ilang linggo, ang mga pet owners ay walang kamalay malay na may rabies na ang alaga nila. Lalabas nalang ito at malalaman nila kapag nangagat ang alaga at nagpakita ng mga sintomas ng may rabies. Alam din naman natin na kapag nagpakita ng sintomas ang biktima ay nangangahulugan na nasa utak na ang virus at mataas o halos 100% ang mortality rate ng nagka rabies.

Kaya kapag nakagat o nakalmot po tayo ng alaga nating hayop o ng mga stray animals ay agad na mag pa-tsek up sa pinakamalapit na animal bite center sa lugar natin.

Iba pang mga Babasahin

Ano ang mga Senyales ng Rabies sa Aso o Pusa : 8 na Signs

Gamot sa Kagat ng Alupihan

Natural na Pamatay ng Anay Home remedy

Shampoo Pantanggal ng Kuto: Mabisang pamatay ng Kuto

3 thoughts on “Ilang taon ang epekto ng Anti rabies sa tao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *