September 10, 2024

Ano ang gamot sa kagat ng Putakti o Wasp

Ang putakte o wasp ay isang uri ng insekto na may makapal na katawan, mahaba at manipis na mga pakpak, at may kakayahan na mangagat. Karaniwang kulay dilaw, itim, o pula ang kulay ng putakte, at mayroon itong makapal na pangil na ginagamit upang mangagat at dumepensa. Ang putakte ay karaniwang matatagpuan sa mga lugar na may maraming bulaklak, halaman, at puno.

Hindi likas na agressive ang putakti pero kapag naistorbo sila ay may instinct na umatake ito para sa kaniyang proteksyon.

Kagaya ng bubuyog may venom ito sa kanyang panusok sa may bandang likuran nito.

Sintomas ng kagat ng Putakti o Wasp

Dahil parehas ang putakti at bubuyog na may venom sa kanyang panusok sa bandang pwetan parehas din ang mga sintomas na pwedeng maramdaman ng pasyente na nakagat.

-Maaaring maging matindi ang kirot, lalo na kung malalim ang pagkakagat.

-Pagkaroon ng pamamaga, na maaaring maging namumula at mainit sa pakiramdam

-Maaaring magkaroon ng pangangati sa lugar ng kagat, na maaaring maging nakakairita

-Malalang pamamaga ng balat sa lugar ng kagat, na maaaring kumalat sa malapit na bahagi ng balat

-Reaksyon ng balat tulad ng pamumula, pantal, o pamamaga ng buong braso o binti, lalo na kung mayroong allergic reaction

-Hirap sa paghinga, pagkasakit ng dibdib, at iba pang mga sintomas ng anaphylaxis

Ano ang dapat na gamot sa kagat ng Putakti

Sa pag gamot ng kagat ng Putakti narito ang mga pamamaraan na dapat tandaan.

1. Kung may natira sa kanyang panusok, unti unti itong tanggalin.

Tandaan na once makagat ka at maramdaman ito, lumayo sa lugar na kinatatayuan para hindi ka makagat ng mas madaming putakti. Ang isang kagat ng putakti ay pwede pa nating matiis pero kapag madami na ay lubhang mahapdi, masakit at pwedeng magkaroon ng allergi reaction sa katawan ng tao.

2. Sa bahaging nakagat o natusok ng putakte, hugasan ito ng tubig na malinis.

Mas maganda kung may kasamang sabon ang paglilinis para matanggal ang dumi o kung anumang bacteria na kasama sa naitusok ng putakte.

3. Pahiran ang nakagat na bahagi ng anti itch cream

Ang mga over-the-counter na anti-itch cream tulad ng hydrocortisone cream ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng pangangati at pamamaga

4. Pwedeng gumamit ng cold compress para hindi masyadong mamaga ang kagat

Maglagay ng yelo o ice sa isang malinis na tela at ipatong sa nakagat na bahagi ng katawan ng 5 – 10 minutes. Ito ay para maiwasan ang sobrang pamamaga.

5. Kung labis ang pangangati gumamit ng Anti Histamine

Kung ang kagat ay nagdudulot ng malaking pangangati, maaaring makatulong ang pag-inom ng antihistamine na may pahintulot ng doktor

6. Pwede ding ang mga over the counter na gamot para sa kirot o anti inflamation

Ang over-the-counter na pain relievers tulad ng acetaminophen o ibuprofen ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng kirot

Sintomas ng Labis na Allergic Reaction

Pwedeng makaexperience ang nakagat ng putakti ng anaphylaxis. Ang anaphylaxis ay isang malubhang allergic reaction na maaaring maging potensyal na panganib sa buhay. Ito ay isang mabilis na reaksyon ng katawan sa isang allergen (tulad ng insekto kagat, pagkain, gamot, o iba pang mga sangkap).

-Labis na pangangati

-Labis na pamumula

-Pagkahilo

-Pagsusuka

-Hirap huminga

-Pagbago ng blood pressure

-Pagtatae

-Pagbagal ng tibok ng puso

Sa mga malalang kaso, ang anaphylaxis ay maaaring magdulot sa pagkawala ng malay, cardiac arrest, o pagkamatay.

Iba pang mga Babasahin

May Rabies ba ang Kagat ng Baboy?

May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa Tao

May Rabies ba ang Kagat ng Paniki

Nakamamatay ba ang kagat ng Daga

3 thoughts on “Ano ang gamot sa kagat ng Putakti o Wasp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *