Ang rabies ay isang viral disease na nakakaapekto sa utak ng tao at pwedeng magcause ng madaming kumplikasyon at ang pinakamalala ay pagkamatay ng nakagat na tao. Sa Pilipinas ang karaniwang pinagmumulan ng rabies ay ang alaga nating mga aso o pusa, pero ang paniki ay hindi masyadong napag-uusapan bilang tagahatid o carrier din ng rabies.
Ayon sa Gamotsapet.com ang Paniki o bats ay potential din at known carrier ng rabies kahit sa pilipinas. Ang mga kaso ng rabies galing sa paniki ay bihira nga lamang mapag alaman.
Halimbawa ang pag-aaral na ginawa ng ilang siyentipiko sa pilipinas, nasa 0.4% ng mga nahuli na paniki ay may rabies virus kaya potential talaga din sila na carrier ng rabies.
Kaya kinakailangan talaga ang pagiingat lalo na sa paghandle ng mga wild animals kasi hindi naman sila nababakunahan di gaya ng mga domesticated na alaga natin sa ngayon na required ng mag pa inject ng anti Rabies.
Parehas lang ba ang anti rabies ng Aso, pusa at Paniki?
Ang tawag sa anti-rabies na bakuna para sa mga paniki ay “rabies vaccine.” Ito ay pareho rin sa mga bakunang ginagamit sa iba’t ibang mga hayop upang maiwasan ang pagkalat ng rabies virus at maprotektahan sila laban sa sakit na rabies.
Nagagamot ba ang Rabies galing sa Paniki?
Potential na magamot pa ang rabies ng paniki kapag nasa early stage or nasa incubation pa lamang. Kaya maigi mag seek ng medical advise kapag nakagat ng paniki.
Kapag lumabas na ang mga sintomas ng rabies gaya ng kagat sa aso ay wala na itong gamot na pupwede pa.
Sintomas ng Paniki na may Rabies
Ang mga paniki na may rabies ay may pag-uugali na hindi makikita sa normal na mga paniki gaya ng sumusunod
1. Kapag pagiwang giwang o hindi makalipad ang paniki
2. Gising ito kahit na umaga. Ang normal na paniki ay nocturnal kaya tulog ito madalas sa umaga.
3. May pag-uugali na matapang at marahas, ang itsura ay parang mangangagat kung saan nakalabas ang pangil sa bunganga
Iba pang mga Babasahin
Nakamamatay ba ang kagat ng Daga
Nakamamatay ba ang Kagat ng Scorpion?
One thought on “May Rabies ba ang Kagat ng Paniki”