May 18, 2024

Ilang araw bago mawala ang Kagat ng Bubuyog

Ang kagat ng bubuyog ay nakakairita kasi namamantal kaagad ito at sadyang masakit. Ang pagka pantal ng kagat minsan ay malaki kaya nakakabahala din lalo na kapag nakagat ang mga bata. Sa mga normal na pagkakataon pwede namang gumaling ng kusa ang kagat ng bubuyog at ang mga home remedy ay mabisa para maiwasan ang mga sintomas.

Sintomas ng Kagat ng Bubuyog

Pwedeng mild lang ang sintomas ng kagat ng bubuyog at nagdudulot ng mga problema kagaya ng sumusunod.

-Pamumula sa bahagi ng kagat

-Bilog na umbok at may butas sa gitna

-Makati ang kagat at mahapdi

Para sa mga kaso na severe ang epekto ang sintomas ng kagat ng bubuyog ay ganito naman.

-Maputlang maputla pero may butas padin sa gitna

-Pamamaga ng nakagat na bahagi ng ilang araw

Ilang araw Bago mawala ang kagat ng Bubuyog?

Kapag maliit lamang ang kagat ng bubuyog o pagkakatusok sa iyo posible na gumaling ito ng 3 – 7 days. Medyo mahaba talaga ang paggaling ng kagat ng bubuyog dahil sa taglay nito na venom.

Sa ibang rare cases pwedeng umabot ito ng ilang linggo naman lalo na kung nagkaroon ng allergic reaction ang pasyente.

Bakit masakit ang Kagat ng Bubuyog?

Insect Venom

Ang mga bubuyog ay may mga glands na naglalabas ng venom o lason kapag sila ay kumakagat. Ang lason na ito ay maaaring magdulot ng pamamaga, pamumula, at pananakit sa lugar ng kagat.

Trauma sa Balat

Ang kagat ng bubuyog ay maaaring magdulot ng traumatiko na pinsala sa balat at mga tisyu sa ilalim nito, na maaaring magdulot ng pamamaga at pananakit.

Reaksyon ng Katawan

Ang katawan ng ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng allergic reaction sa kagat ng bubuyog. Ang mga reaksyon na ito ay maaaring maging mas malubha at magdulot ng mas malalang pamamaga at pananakit.

Impeksyon

Sa ilang mga kaso, ang kagat ng bubuyog ay maaaring magdulot ng impeksyon sa balat, na maaaring magresulta sa pamamaga, pamumula, at pananakit.

Iba pang mga Babasahin

Ilang beses ba dapat magpaturok ng Anti Rabies Vaccine

Mga bawal pag naturukan ng Anti Rabies

Ilang taon ang epekto ng Anti rabies sa tao

Ano ang mga Senyales ng Rabies sa Aso o Pusa : 8 na Signs

One thought on “Ilang araw bago mawala ang Kagat ng Bubuyog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *