November 21, 2024

Kagat ng Hayop (Daga) – Ano dapat gawin?

Halimbawa aksidente ka na makagat ng daga habang may ginagawa ka o di naman ay natutulog sa inyong bahay, ano ang pwede mong gawin? Hindi kasi natin pwedeng ipagsawalang bahala ang kagat ng daga lalo na may mga kaso ng impeksyon na natatala ang DOH ng pilipinas lalo na kung panahon ng tag-ulan.

Naglalabasan kasi ang mga hayop na ito sa kanilang lungga kapag nababasa sila.

Mga Dahilan kung bakit mapanganib ang kagat ng Daga

Napaka delikado din kasi talaga ang kagat ng daga dahil nakamamatay  ito. Maraming bacteria ito at ang sintomas high ay normally may fever at kapag malala ang impeksyon ang pasyente ay maaring nagsusuka.

Ang mga karaniwang sakit na pwedeng ibigay ng daga ay ang sumusunod.

-Sugat

-Impeksyon

-Cellulitis

–Osteomyelitis

-Rabies

Kaya kung merong mga pet na daga wag hawakan, wag lumapit. Kapag nakagat na ng daga ito ang first aid natin.

First Aid sa Kagat ng Daga

Halimbawa may isang tao nakagat siya ng daga. Anong itsura nun. Pag kunyari nakagat ka merong mga ipin, marks ng ngipin diyan sa kamay mo siguraduhin mo protektado ka.

Kumuha ka ng gloves or gwantes, yung mga panglaba pwede din yan. Para kung meron kang mga open wounds diyan hindi sayo mapunta yung impeksyon.

Tapos kumuha ng maraming tubig, yan kakailanganin mo yung tubig at sabon panglinis mo doon sa nakagat. Siguraduhin mo malinis na malinis kasi ang problema mo dito impeksyon.

Gumamit ng  malinis na malinis  na tubig. Sabon afterwards at lalagyan mo ng Povidine iodine. Kailangan talaga meron tayong iodine sa bahay.

Pagkatapos lagyan mo ng antibiotic cream. Tapos takpan mo na siya ng gasa or benda.

I-tape mo mabuti.

Ngayon ilang araw bago mo makita na nagiging maayos na yung sugat?

Actually, yung tao babantayan mo for ten days. Ang mga babantayan mo nga dito mataas na lagnat, masakit yung likod niya, kasukasuan.

May rabies din ba ang daga?

Oo, very rare naman yung rabies kaya lang yung rat bite fever mas delikado pa dahil nakamamatay. So pag kinagat sa kamay o sa mukha kailangan pong magpacheck up sa doctor.

Kasi yung impeksyon talaga maraming bacteria dito. Tapos iinom ng antibiotic three times a day like amoxicilline para makontrol yung infection. Kahit anong kagat.

Listahan ng Animal Bite Center sa Santa Rosa Laguna

Santa Rosa Community Hospital – Animal Bite Treatment Center

Address: J. Luna St., Barangay Kanluran, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 534 1001

Santa Rosa Health Office – Animal Bite Center

Address: Santa Rosa City Hall, J. P. Rizal Blvd., Barangay Market Area, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 534 5841

Qualimed Hospital – Animal Bite Center

Address: Nuvali, Sta. Rosa-Tagaytay Road, Don Jose, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 536 0000

St. James Hospital – Animal Bite Center

Address: Greenfield City, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 541 1070

HealthServ Santa Rosa Hospital and Medical Center – Animal Bite Clinic

Address: RSBS Blvd., Balibago, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 534 0109

South City Hospital and Medical Center – Animal Bite Treatment Center

Address: Santa Rosa-Tagaytay Road, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 541 2636

New Sinai MDI Hospital – Animal Bite Clinic

Address: RSBS Blvd., Balibago, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 534 0833

The Medical City South Luzon – Animal Bite Center

Address: Greenfield City, Santa Rosa-Tagaytay Road, Santa Rosa, Laguna

Telepono: +63 49 544 0929

Unihealth-Southwoods Hospital and Medical Center – Animal Bite Clinic

Address: United Nations Ave, Southwoods Ecocentrum, Biñan City, Laguna (near Santa Rosa)

Telepono: +63 2 7798 7777

Binan Doctors’ Hospital – Animal Bite Center

Address: General Malvar St., Barangay San Antonio, Biñan City, Laguna (near Santa Rosa)

Telepono: +63 49 511 6894

Iba pang mga Babasahin

10 Signs na may Rabies Infection Pagkatapos makagat

Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Kung nakagat ng Pusa pwede bang hindi magpa bakuna ng Anti Rabies?

Gamot sa kagat ng “Kissing Bug”

One thought on “Kagat ng Hayop (Daga) – Ano dapat gawin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *