Dahil ang rabies ay isang virus na labis na nakakaapekto sa nervous system ng tao, lubha itong mapanganib at nakamamatay. Isa sa inaatake ng rabies ang nevous system. Ang nevous system natin ang nagkokontrol ng ating utak at katawan. Pero utak ng tao o hayop ang mismong pinaka target ng virus kaya nga maraming sintomas ito at kabilang diyan ay parang nababaliw ang tao o mga hayop na affected ng rabies.
Ano ngayon ang dapat nating gawan kapag nakagat tayo ng alaga nating aso o pusa, kahit na kalmot lang ng mga ito?
First Aid sa nakagat ng Aso o pusa
1. Hugasan ng maigi ang sugat o kalmot ng pusa
-Itapat ang sugat sa running water at sa loob ng labing limang minuto hugasan ito ng sabon
2. Pwedeng gamitan ng betadine ang sugat
-Ito ay para mawala ang tsansa ng impeksyon sa sugat. Pero tandaan na hindi namamatay ang rabies virus sa mga gamot sa sugat
3. Dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na health center o bite center.
-As much as possible ay dapat madala kaagad ang pasyente sa hospital o anumang animal bite center para maturukan ng anti-rabies. Hindi na kailangang antayin na magpakita ng sintomas ang hayop na nakakagat sa kanya.
Ilang beses dapat mapabakunahan ang pasyente ng Anti rabies?
Ang usual na anti rabies injection sa pasyente sa Pilipinas ay inaabot ng 4 na beses na bakuna. Lalong lalo na kung first time mo palang na makagat ng aso o pusa kailangan ng 4 na injection. May chances din kasi na meron ka ng bakuna dati pa at kung effective pa ito ay hindi na aabot sa ganito kadami na anti rabies vaccine.
Sa mga unang beses makagat at magpa-vaccine kasama sa injection ang “human rabies immunoglobolin (HRIG) “ na vaccine shot. Sa mismong sugat ka tuturukan ng doktor kasi nandun ang entry point ng virus.
Masakit ang vaccine na ito syempre kasi gagamit ng malaking needle ang doktor para maipasok ng maigi sa katawan ng pasyente ang vaccine
Para sa mga second time na makagat itatanong ng doktor kung kailan ang huling vaccination date mo at dito ay pwede silang magdecide na bigyan ka na lamang ng tinatawag na “booster shot”.
Kailan ginagawa ang 4 na beses na Pagbakuna ng Anti rabies sa mga nakagat?
Ang unang beses na pagbakuna ay as soon as possible na makapag pa-tsek up ka sa doctor. Gaya ng sabi natin kanina kapag nakagat ay agarang pumunta sa mga animal bite center at magdedecide agad ang doktor na bakunahan ka. Ito ay kahit wala pang sintomas nga ang alaga natin o ang hayop na nakakagat.
Sa mga may anti rabies vaccination na before ay ipaalam ito at ipakita ang certificate of vaccination naman sa doktor.
Para sa sumusunod na mga vaccinations ay ang sumusunod.
-After 3 days ng 1st vaccine, ay ang second vaccine shot
-After 7 days ay ang 2nd vaccine.
-After 14 days ay ang last vaccine shot naman.
Para sa mga second timer na nakagat pero complete naman ang bakuna ay magkakaroon na lamang ng dalawang beses na bakuna. Hindi nadin kailangan ang HRIG vaccine dahil meron na ito sa unang beses na vaccine pagkakagat.
-Immediate vaccination after makagat
-After 3 days vaccination ito na ang pangalawang sched ng anti rabies na bakuna.
Magkano ang Anti Rabies vaccination?
Libre ang anti rabies vaccination para sa pasyente na nagpunta ng Government Hospitals.
Sa karaniwang mga kaso sa pilipinas ang halaga ng anti rabies vaccination ay pwedeng umabot ng Php 2,000 pesos per shot.
Ang HRIG vaccine naman ay mahigit Php 3,000 pesos per shot.
Kaya kung meron kang apat na vaccination session ng anti rabies pwedeng umabot ito ng mahigit Php 8,000 pesos.
Listahan ng Animal Bite Center sa Edsa
San Lazaro Hospital – Animal Bite Treatment Center
Address: Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila
Telepono: +63 2 8733 8325
Philippine Children’s Medical Center – Animal Bite Treatment Center
Address: Quezon Avenue, Diliman, Quezon City
Telepono: +63 2 8924 6601 loc. 204
RITM – Research Institute for Tropical Medicine
Address: Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa
Telepono: +63 2 8807 2628
Makati Medical Center – Department of Emergency Medicine
Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati City
Telepono: +63 2 8888 8999
East Avenue Medical Center – Animal Bite Treatment Center
Address: East Avenue, Diliman, Quezon City
Telepono: +63 2 8928 0611
The Medical City – Animal Bite Treatment Center
Address: Ortigas Avenue, Pasig City
Telepono: +63 2 8988 1000
VRP Medical Center (Victor R. Potenciano Medical Center)
Address: 163 EDSA, Mandaluyong City
Telepono: +63 2 8462 3021
St. Luke’s Medical Center – Quezon City
Address: 279 E Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City
Telepono: +63 2 8723 0101
Mandaluyong City Medical Center
Address: E. Pantaleon Street, Hulo, Mandaluyong City
Telepono: +63 2 8534 6824
Ospital ng Makati
Address: Sampaguita Street, Pembo, Makati City
Telepono: +63 2 8823 0101
Iba pang mga Babasahin
Magkano ang Anti rabies Vaccine?
Paano malaman kung may Rabies ang Tuta: First aid kapag nakagat
One thought on “Ilang beses ba dapat magpaturok ng Anti Rabies Vaccine”