October 30, 2024
Aso / Pusa

Mga bawal pag naturukan ng Anti Rabies

Sa article naman na ito pag-aralan natin ang mga bawal gawin o kainin ng isang nag undergo ng anti rabies vaccination. Pag-uusapan din natin ang mga karaniwang epekto ng injection sa katawan natin.

Base nga sa mga animal bite center, karaniwang ipinapayo ang mga sumusunod kapag katatapos nga lang ng vaccination natin.

Mga bawal gawin kapag nagpabakuna ng Anti Rabies

1. Iwasan ang labis na pag gawa o exercise

-Dahil karaniwang ginagawa ang injection sa braso o sa mga bahagi ng katawan na madaling maabot ng mga kagat ng hayop, ipinapayo na iwasan muna ang mga strenous na activity lalo na ang pag gamit ng bahagi nga ng katawan natin na nabakunahan para maiwasan ang pamamaga nito

2. Sa mga adult, iwasang uminom ng alak o alcohol drinks

-Batay sa mga pagsusuri ng doktor, nakaka-apekto ang alcohol sa katawan ng tao at minsan pinapawalang bisa nito ang epekto ng bakuna natin.

3. Iwasang magutom

-Dahil sa pwedeng manghina ang katawan natin pagkatapos ng bakuna, kumain ng masustansiya at madaming pagkain para makabawi ang resistansiya ng katawan natin

4. Iwasan ang Pagpapalakas ng Iyong Imyunidad

Hindi inirerekomenda ang pagkuha ng iba pang bakuna o suplemento na maaaring makaimpluwensya sa iyong immune response habang nagpapabakuna ka para sa rabies.

5. Huwag Buhusan ng Malamig na Tubig o Mag-sauna

Iwasan ang mga aktibidad na maaaring magdulot ng malamig na tubig sa iyong katawan o makapagdulot ng stress sa iyong balat pagkatapos ng pagturok.

Mga Bawal na gawin ng Bata kapag naturukan ng Anti Rabies

1. Bawal ang malalansang pagkain

-Ayon sa animal bite centers, maiging umiwas muna ang mga bata sa pagkain na malansa gaya ng manok o isda

2. Bawal ang sobrang tamis na pagkain

-Kabilang dito ang mga softdrinks, chocolate at sugary base na mga pagkain

3. Bawal gamitan ng hot compress ang nabakunahan na bahagi ng katawan

-Baka lalong lumala ang pamamaga ng sugat ng bata kaya umiwas sa pag gamit ng hot compress

4. Bawal galawin o kamutin ito

-Ipa intindi sa mga bata na huwag kakamutin ang bahagi na nabakunahan. Dapat din munang lagyan ito ng takip ng mga magulang para maiwasan ang aksidenting pagkamot para makaiwasa sa mga germs o bacterial infection sa sugat.

5. Sumunod sa schedule ng bakuna

-Ang pagpapabakuna ng anti rabies ay hindi lamang iisang beses. Minsan may mga follow up vaccination pa ito. Mahalagang makumpleto ang cycle ng pagpakuna para sa kumpletong proteksiyon laban sa rabies.

May Side effects ba ang Anti rabies Vaccine?

Tandaan na ang mga sintomas na ito after magpabakuna ay pwedeng ma experience o hindi. Depende kasi sa tolerance ng katawan ng bawat tao. Normal lang na manyari ang mga ito pero kapag ang sintomas ay somobra ng ilang oras o abutin ng ilang araw, dapat magpakunsulta agad sa doktor.

1. Pamamaga o soreness ng nabakunahan na bahagi ng katawan

-Pinaka common ito na epekto sa atin after magpabakuna mapa anti rabies, anti pneumonia o iba pang injection. Kailangan kasi na malalim ang pagkakabaon dapat ng needle ng vaccine para ma-absorb ng katawan agad ang gamot na ginagamit.

2. Pamumula ng bahagi na nabakunahan

-Karaniwan naman ito sa mga bahagi ng katawan ng bata

3. Pangangati sa bahagi ng naturukan.

-Sa mga bata advisable na lagyan ng takip ang bakuna o sugat sa katawan niya para maiwasan makamot.

4. Pananakit ng ulo

-Panandaliang pagsakit ng ulo

5. Pagkahilo o Dizziness

-Parang nasusuka na hindi naman matuloy tuloy at nahihilo

6. Abdominal Pain

-Sa ilang cases sumasakit ang tiyan ng bata after mabakunahan

7. Muscle ache

8. Joint pain

-Pananakit ng mga joints ng katawan pwedeng sa braso o sa kasu kasuan natin sa paa at sa kamay

9. Hives

-Pamamantal ng katawan bilang reaksyon sa bakuna

10. Fever

-Common ito sa mga bata. Minsan ang parents nag papainom agad ng paracetamol para hindi na lumala pa ang lagnat ng bata.

11. Allergic Reactions

-Kahit na ito ay bihirang mangyari, maaaring magkaroon ng mga allergic reaction ang ilang mga tao sa anti-rabies vaccine. Ang mga sintomas ng allergic reaction ay maaaring maglaho o magkaroon ng mga malubhang sintomas tulad ng pamamaga ng mga labi at mukha, paghina ng paghinga, at pananakit sa dibdib.

Iba pang mga Babasahin

Paano malaman kung may Rabies ang Tuta: First aid kapag nakagat

Ang Kalmot ng Aso ba ay Delikado?

Ilang araw bago mamatay ang Asong may Rabies?

Kagat ng Aso na hindi dumugo Ano ang Dapat Gawin?

One thought on “Mga bawal pag naturukan ng Anti Rabies

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *