Nakagat ka ba o nakalmot ng Aso o di kaya ng pet mo na pusa? Maging pro-active sa pagpapatingin sa doktor kasi kapag may rabies ang aso o pusa, pwede itong makamatay. Kapag lumabas naman na ang sintomas ng rabies sa tao at napabayaan ito, wala na tayong tsansa para magamot pa.
Pag-uusapan natin sa article na itokung ano ba ang mga senyales ng Rabies sa mga alaga natin at ano ang mga first aid o paunang lunas na pwedeng gawin para hindi na lumala o umabot pa sa pagkamatay ang pasyente.
Alam natin na 100% ang fatality ng rabies sa pilipinas. Sa bansa natin marami ang rabies sa atin dahil mahilig tayo mag alaga ng pet pero hindi natin pinapabakunahan ng anti rabies. Halos 300 kada taon ang namamatay sa rabies sa pilipinas base sa statistics ng gobyerno.
Pinakadelikado ang kagat ng hayop sa atin. Ang rabies virus ay nagmumula sa laway ng aso o pusa. Kapag kinagat tayo, ang virus ay dahan dahan na papasok sa nerves natin at unti unti itong aakyat sa utak ng tao kung saan nakamamatay na ito.
Paano naman kapag dinilaan lang tayo? Kapag may sugat ang tao at dinilaan ng may rabies na aso o pusa, kaparehas lang ito ng kinagat ng aso.
May apat na Stage at mga Sintomas ang Rabies ng Aso o Pusa
1. Incubation
-Walang eksaktong araw o linggo kung gaano ito katagal. Pero mas mabilis ang pagkalat ng virus kapag malapit ito sa utak kaysa nakagat sa paa. Within 24 oras ng pagkakagat kailangan na agad ma inform ang doktor. Sa ibang kaso ang incubation ay tumatagal ng 3 weeks (75% cases)
2. Prodormal phase
-May sintomas ng trangkaso, lagnat
3. Acutre neurologic phase
-May pagwawala, pagbula ng bibig
4. Coma
-Wala ng tsansa na mabuhay
8 na Sintomas ng isang Kumpirmadong may Rabies na
- Hallucinations
- Sensitibo sa ilaw
- Insomnia
- Paglalaway (malapot) o pagbula ng bibig
- Hydrophobia o pagkatakot sa tubig
- Pagwawala o pagka sensitibo
- Hindi makalunok
Sa incubation stage pwede pa itong magamot gamit ang anti rabies na bakuna, pero kapang nasa second to 4th stage ay maliit na ang tsansa na magamot pa ito kasi ang rabies na nasa nerve ng tao ay aakyat na sa dugo, sa spinal, sa buong katawan at pagkatapos ay sa utak.
Kaya kapag nakagat, agad na ikulong at aso para ma obserbahan. Kapag nagpakita ng sintomas sa mga alaga natin gaya ng pagkatakot sa tubig o kaya ngaman nangangagat bigla ay potential na may rabies nga ito.
Category ng Exposure ng Tao sa Rabies at mga Dapat gawin
1. Category 1
-Kapag nalawayan ka ng aso, pusa o anumang hayop na carrier ng rabies pero wala ka namang sugat
-Pwedeng hugasan lang ang bahaging nalawayan
2. Category 2
-Minor scratches o kalmot ng hayop, maliit na kagat ng aso o pusa
-Pwedeng hugasan ang maliit na sugat at dalhin agad ang pasyente para mabakunahan
3. Category 3
-Mulitple bites ng hayop sa katawan ng tao at nagkasugat
-Hugasan ng maiigi ang sugat ng at least 10 -15 minutes, at immediate na vaccination ng rabies immunoglobulin. Ang injections ay alternate 1st day, 3rd day, 5th day, depende na sa schedule ng doktor ito.
-Anti tetanus shots
-Ang anti rabies vaccine ay nagkakahalaga ng Php 500 – Php 2,000 pesos per shot sa tao.
Paano makaiwas sa Rabies ang mga Alaga na Aso at Pusa
Kailangan ng regular na vaccination ng anti rabies sa Aso at pusa kasi hindi naman natin alam kung ang nakakasalamuha ng alaga natin ay meron o walang rabies virus.
Iba pang mga babasahin
Ilang araw bago mamatay ang Asong may Rabies?
Kagat ng Aso na hindi dumugo Ano ang Dapat Gawin?
4 thoughts on “Ano ang mga Senyales ng Rabies sa Aso o Pusa : 8 na Signs”