Ang anti-tetanus vaccine ay mahalaga sa kaso ng kagat ng daga upang maiwasan ang tetanus infection. Ang tetanus ay isang seryosong sakit na dulot ng Clostridium tetani bacteria na karaniwang nakukuha sa mga sugat mula sa kagat o galos, lalo na kung ito ay kontaminado ng dumi o lupa na naglalaman ng mga spores ng bacteria.
Bakit Mahalaga ang Anti-Tetanus Vaccine sa Kagat ng Daga?
Tetanus Prevention
Ang kagat ng daga, tulad ng anumang sugat na maaaring makontamina ng bakterya, ay pwedeng maging sanhi ng tetanus. Ang anti-tetanus vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system upang labanan ang Clostridium tetani bacteria.
Safety Protocol
Ayon sa mga medikal na pamantayan, ang mga indibidwal na nakagat ng daga at hindi pa nababakunahan laban sa tetanus sa nakalipas na 10 taon, o hindi pa nakatanggap ng kumpletong bakuna, ay inirerekomenda na mabigyan ng tetanus toxoid vaccine o tetanus immunoglobulin depende sa kalubhaan ng sugat at estado ng pagbabakuna.
Proseso ng Pagbabakuna
Tetanus Toxoid Vaccine
Ibinibigay ito para sa pangmatagalang proteksyon. Sa mga hindi pa kumpleto ang bakuna, kinakailangan ng tatlong doses, ang unang dose sa oras ng pagkakakagat, ang pangalawa pagkatapos ng apat na linggo, at ang pangatlo anim na buwan pagkatapos ng ikalawang dose.
Tetanus Immunoglobulin
Ito ay binibigay para sa agarang proteksyon lalo na kung mataas ang posibilidad ng kontaminasyon o kung ang sugat ay malaki at marumi.
Epekto ng kagat ng daga sa bata
Madalas na nakakagat ng daga ang mga baby natin dahil sa wala pa silang kakayahan na umiwas sa mga daga. Lalo na sa gabi kasi kapag natutulog tayo, lumalabas ang mga daga para maghanap ng kanilang makakain. Minsan naamoy din nila ang mga baby at napagkakamalan na pagkain. Kapag kumagat ang daga sa kanila, labis na sakit ito sa mga baby at posibleng mag cause ng malakas na bleeding dahil sa malabot pa ang kanilang mga balat, madaling mapunit ito sa matalas na ngipin ng mga daga.
Maging maingat mga mommy lalo na ngayon nag umpisa na ang tag-ulan ang mga daga na nasa ilalim ng lupa, kanal o drainage natin ay lumalabas at pwedeng umakyat sa mga bahay.
Although bihira naman na magkaroon ng rabies ang mga daga, hindi sila kagaya ng aso, pusa o mga paniki na madalas maging carrier ng rabies. Ang isang nakakatakot sa daga ay ang mga bacteria na nagiging sanhi ng teteno o tetanus infection.
Kaya kung wala pang anti tetanus vaccine ang bata ay binibigyan siya nito. Kung meron naman na karaniwan ang paracetamol at amoxicillin para sa sakit at pamamaga naman ng sugat ng bata.
Hakbang sa Pag-alaga ng Sugat
Paglilinis ng Sugat
Hugasan agad ang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon. Iwasan ang paggamit ng matapang na kemikal na maaaring makairita sa sugat.
Paggamit ng Antiseptiko
Mag-apply ng antiseptic solution sa sugat upang maiwasan ang impeksyon. Ang mga halimbawa ng common na antiseptic para sa kagat ng daga ay ang povidine-iodine at hydrogen peroxide.
ETADINE® (Povidone-Iodine) Skin Cleanser 60mL
HYDROGEN PEROXIDE FOR WOUND CLEANSING
Pagkonsulta sa Doktor
Agad na magpakonsulta sa healthcare professional para sa tamang payo at pag-aalaga, pati na rin para sa pagbibigay ng kaukulang bakuna.
Ang kaalaman tungkol sa tamang hakbang matapos makagat ng daga, kabilang ang pagbibigay ng anti-tetanus vaccine, ay mahalaga upang maprotektahan ang kalusugan at maiwasan ang mga komplikasyon.
Iba pang mga babasahin
Lunas sa kagat o tuklaw ng ahas
May Rabies ba ang rabbit o kuneho?
Nakagat ng Aso 3 months ago, may Rabies ba?
Gaano katagal ang Anti Rabies sa Katawan ng Tao – Paano malalaman