October 30, 2024

Nakamamatay ba ang kagat ng Daga

Sa normal na mga kagat ng daga hindi naman ito nakamamatay. Pero may mga instances na nagiging carrier ang daga ng mga bacteria at viruses na pwedeng magkaroon ng komplikasyon sa pasyente at pwede nga itong ikamatay dahil sa mga komplikasyon na pwede ibigay. Ang halimbawa ng mga deadly na bacteria ay ang rat bat fever, tetanus at rabies. Oo, may may recorded instances din na nagdadala talaga ng rabies ang daga at alam natin na once lumabas na ang sintomas ng rabies ay high chance na makamatay na ito.

Mga sakit na pwede makuha sa Kagat ng Daga

Dahil sa ang natural environment ng daga ay madumi pwedeng maging carrier sila ng mga bacteria na labis na nakakapinsala sa tao. Ang mga daga ay maaaring magdala ng mga mikrobyo sa kanilang mga ngipin o laway na maaaring magdulot ng impeksyon kapag sila ay naikagat sa tao. Kung hindi maagapan at hindi magamot ng maayos, ang impeksyon ay maaaring kumalat sa buong katawan at magdulot ng mga komplikasyon sa kalusugan

Pwede ding maging carrier ng rabies ang daga. Ang daga ay hindi karaniwang may rabies, pero may mga kaso na ang mga daga ay maaaring maging carrier ng sakit na ito.

Dahil madumi nga din ang kagat ng daga pwede maging dahilan ng pagkakaroon ng allergy. Ang allergy na ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng pamamaga, pamumula, o hirap sa paghinga.

Tetanus ang isa pang bacteria na pwedeng ibigay ng daga at nakamamatay ito. Ang mga kagat ng hayop, kabilang ang mga kagat ng daga, ay maaaring magdulot ng impeksyon ng tetanus kung ang indibidwal ay hindi nabigyan ng sapat na bakuna laban dito.

Pwede ding i-tsek ang article na ito para sa iba pang sakit na galing sa daga.

Ano ang dapat gawin kapag nakagat ng daga

1. Hugasan ng maigi ang kinagat ng daga na bahagi ng katawan natin ng malinis na tubig at sabon. Sabunin ng maigi ang sugat at banlawan ng tubig. Gawin ito ng 3 -4 beses. Ang sabon ay dapat na antimicrobes.

2. Pagkatapos mahugasan ang sugat gumamit ng antiseptic. Gumamit ng iodine o betadine. May mga antibiotic cream din para sa paunang lunas sa kagat kagaya ng Polysporin First Aid Ointment for Infection Protection & Wound Care, 0.5 oz. / 14.2 g

Polysporin First Aid Ointment for Infection Protection & Wound Care, 0.5 oz. / 14.2 g

3. Bumisita ng doktor kaagad para maresetahan ng antibiotic. Hindi natin kasi alam kung may sakit ang nakakagat na daga sa atin.

4. Pwedeng itanong din sa doktor kung kailangan ng anti rabies ng daga kasi potential din na carrier ng rabies ang daga.

5. May mga kasabihan na pwede daw igamot ang bawang sa sugat na nakagat ng daga. May natural na antibiotic ang bawang pero kung malalim ang sugat hindi na rin nito magagamot ang bacteria na nakapasok na sa dugo natin pagkatapos makagat kaya mas maigi padin ang antibiotic na reseta ng doktor.

Paano makaiwas sa kagat ng Daga

1. Dahil sa ang daga ay laging naghahanap ng makakain ang kusina natin ang pinakamadalas na puntahan nila. Panatilihing malinis ang kusina at walang tirang mga pagkain sa sahig o sa lababo natin

2. Takpan ang mga tirang pagkain para hindi maging attractive sa mga daga. Tandaan na kapag kinain ng daga ang mga ulam kinain din natin ito ng hindi natin alam, pwedeng maipasa sa atin ang mga viruses at bacteria na meron sila

3. Takpan ang mga butas kung saan sila nanggagaling para hindi na nila daanan pa.

4. Kapag masyado ng maraming daga sa inyo lugar ay makabubuting tumawag na ng pest control. Kung mayroon kang problema sa daga sa iyong tahanan o lugar ng trabaho, makipag-ugnay sa isang propesyonal sa pest control upang matulungan kang mapanatili ang mga daga sa minimum

Iba pang mga Babasahin

Mga sakit na pwedeng makuha sa Daga

Ano ang Rat Bite Fever : Sintomas at Gamot sa kagat

Ano ang gamot sa kagat ng Daga?

One thought on “Nakamamatay ba ang kagat ng Daga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *