June 29, 2025
Aso

Paano makaiwas sa Kagat ng Aso?

Ayon sa talaan ng department of Health ng Pilipinas marami sa mga Pinoy (600+ per year) lalo na sa mga bata ang namamatay taon taon dahil sa pagkakaroon ng rabies. Ang kadalasang sanhi ng pagkalat ng rabies ay sa kagat ng mga aso.

Ang rabies na ito ng aso ay naitransfer sa tao sa pamamagitan ng kanilang laway o ihi. Bukod sa aso pwede ding pagmulan ng rabies ang ibang hayop gaya ng pusa, daga, paniki o baboy.

Aso / Pusa

May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa Tao

Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng rabies virus na maaring ikalat sa pamamagitan ng laway, lalo na kung may mga sugat o pasa sa balat. Bagamat bihirang mangyari, maari pa rin itong maipasa mula sa kagat ng tao sa tao, lalo na kung ang sugat ay malalim o kung mayroong mga dugo sa laway ng biktima.

Aso / Pusa

Ilang beses ba dapat magpaturok ng Anti Rabies Vaccine

Dahil ang rabies ay isang virus na labis na nakakaapekto sa nervous system ng tao, lubha itong mapanganib at nakamamatay. Ang nevous system natin ang nagkokontrol ng ating utak at katawan. Pero utak ng tao o hayop ang mismong pinaka target ng virus kaya nga maraming sintomas ito at kabilang diyan ay parang nababaliw ang tao o mga hayop na affected ng rabies.

Aso

Paano malaman kung may Rabies ang Tuta: First aid kapag nakagat

Sa karamihan ng mga lugar, hindi karaniwan ang pagkakaroon ng rabies sa mga tuta. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng rabies sa mga tuta ay maaaring maging bihirang pangyayari, lalo na kung ang mga tuta ay regular na nabibigyan ng tamang bakuna laban sa rabies. Ang mga bakunadong tuta ay protektado laban sa sakit na rabies at hindi sila nagiging tagadala ng virus na maaaring ikalat ito sa mga tao.

Aso

Ang Kalmot ng Aso ba ay Delikado?

Ang kalmot ng aso ay maaaring maging delikado depende sa ilang mga kadahilanan tulad ng lawak ng sugat, posibleng impeksyon, at sitwasyon kung saan nangyari ang kalmot.

Huwag ipag walang bahala ang mga kalmot ng aso. Kapag may mga bacteria na nasa kuko ng aso ay pwedeng mapunta sa iyo ito.

Aso

Ilang araw bago mamatay ang Asong may Rabies?

Ang bilang ng araw bago mamatay ang isang aso na may rabies ay maaaring mag-iba-iba depende sa ilang pangyayari, kabilang ang yugto ng rabies, ang laki ng virus na inokula sa kagat, at ang pagtugon ng katawan ng aso sa impeksyon. Karaniwang, ang mga asong may rabies ay nagpapakita ng mga sintomas sa loob ng ilang linggo hanggang ilang buwan pagkatapos nilang mahawaan. Maaaring mamatay ang isang aso na may rabies sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo mula nang magsimula ang mga sintomas.