November 21, 2024

May Rabies ba ang rabbit o kuneho?

Oo, posible na magka-rabies ang mga kuneho, pero ito ay napakabihira. Ang rabies ay isang viral disease na karaniwang nakukuha mula sa kagat o kalmot ng mga infected na hayop tulad ng mga aso, pusa, at ligaw na hayop gaya ng mga raccoon, skunks, at bats. Bagaman ang mga kuneho ay maaaring ma-infect ng rabies, sila ay hindi karaniwang mga carrier ng sakit na ito at bihirang-bihira na nagpapasa ng rabies sa mga tao.

Pero kung ang rabbit o kuneho na kumagat sa iyo ay iyong mga captivated o domesticated, maliit ang tsansa na magkaroon ito ng rabies. Ang tinutukoy na mataas ang tsansa na magkaroon ng rabies ay ang mga wild rabbit. Kagaya ng mga aso na pagala gala at madalas magka rabies ang rabbit o kuneho na gala ay ganoon din.

Mga Dahilan kung Bakit Bihirang Magka-Rabies ang Kuneho

Sensitivity to Rabies Virus

Ang mga kuneho ay napaka-sensitibo sa rabies virus. Kapag na-infect, kadalasan ay namamatay sila bago pa man magawa nilang ipasa ang virus.

Kondisyon ng Pamumuhay

Maraming kuneho ang inaalagaan sa mga kontroladong kapaligiran, kaya mas maliit ang tsansa nilang makatagpo ng rabies-infected na hayop.

Paano Maaaring Makakuha ng Rabies ang Kuneho?

Kung ang kuneho ay makagat o makalmot ng isang rabies-infected na hayop, maaari silang magka-rabies. Kapag nagkaroon ng close contact yung ating alagang rabbit sa mga rabid animal, just like for example yung mga dogs or cat, and then eventually kinagat ito or kinagat yung ating alagang rabbit pupwede nga silang mahawaan talaga..

Ang mga sintomas ng rabies sa mga kuneho

  • Pagbabago sa ugali (halimbawa, pagiging agresibo o masyadong tahimik)
  • Kakulangan sa koordinasyon
  • Paralysis
  • Pagkamatay

Ano ang Dapat Gawin Kung Kinagat o Nakalmot ng Kuneho?

Kung kinagat o nakalmot ka ng kuneho, importante pa rin na gawin ang sumusunod para hindi na magkaroon pa ng kumplikasyon ang kanilang mga kagat.

Hugasan ang Sugat

Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at tubig upang mabawasan ang panganib ng impeksyon.

Kumonsulta sa Doktor

Magpakonsulta sa isang doktor para sa karagdagang payo. Kahit na mababa ang posibilidad na rabies, mahalaga na ma-assess ng isang healthcare professional ang sugat.

Paano makaiwas sa Rabies galing sa Kuneho?

Vaccination

Habang ang mga kuneho ay hindi karaniwang binabakunahan laban sa rabies, siguraduhing updated ang mga bakuna ng ibang alagang hayop sa iyong bahay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Secure Housing

Siguraduhing ligtas ang tirahan ng kuneho upang maiwasan ang kontak sa mga ligaw na hayop na maaaring may rabies.

Bagaman bihira, ang posibilidad ng rabies sa mga kuneho ay isang paalala na mahalaga ang tamang pag-aalaga at pag-iingat sa ating mga alagang hayop.

Mga posibleng dahilan bakit nangangagat ang Rabbit natin

So minsan kasi nakakaligtaan natin bigyan sila ng food or diet nila dun sa specific time kung saan sila nasanay. So yung dati halimbawa nagbibigay ka usually seven , and then nakalimutan mo magbibigay ka ngayon ng nine am sa sobrang gutom nila and sobrang excited nilang kumain, minsan akala nila yung kamay natin ay pagkain din kaya ayun, nakakagat din tayo ng ating mga alagang rabbit.

So pangalawang dahilan naman is buntis siya
So isa sa mga sign na buntis yung ating alagang rabbit is masyado silang aggressive.

Next naman na possibility is nangingilala sila.
Madalas ito kalmot naman eh, kalmot kapagka bubuhatin natin sila and then hindi pa sila sanay sa amoy natin or sa atin mismo. Ang nangyayari, nakakalmot tayo eventually sa kamay, dito minsan sa may wrist.

Yun yung mga nagiging possibility kasi nga ang rabbit kasi is territorial sila. So nature nila yun kumbaga, its part of the defense mechanism. Baka iniisip nila na sasaktan natin sila or anything else.

Listahan ng Animal Bite Center sa Baguio

Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) – Animal Bite Treatment Center

  • Address: BGHMC Compound, Governor Pack Road, Baguio City
  • Telepono: (074) 442-3165

Saint Louis University Hospital of the Sacred Heart – Animal Bite Center

  • Address: A. Bonifacio St., Baguio City
  • Telepono: (074) 442-5700

Baguio Health Department – Animal Bite Treatment Center

  • Address: City Hall Drive, Baguio City
  • Telepono: (074) 442-1900

Notre Dame de Chartres Hospital – Animal Bite Center

  • Address: 25 General Luna Rd, Baguio City
  • Telepono: (074) 619-8530
  • Notes: Privadong ospital na may animal bite treatment services.

Pines City Doctors Hospital – Animal Bite Center

  • Address: Magsaysay Ave, Baguio City
  • Telepono: (074) 442-5700

Iba pang mga babasahin

Gaano katagal ang Anti Rabies sa Katawan ng Tao – Paano malalaman

Kagat ng Hayop (Daga) – Ano dapat gawin?

10 Signs na may Rabies Infection Pagkatapos makagat

Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *