December 3, 2024

Gamot sa kagat ng “Kissing Bug”

Ang insekto na ito ay napangalanang kissing bug kasi malimit kumagat ito sa labi at mukha ng tao. Pwede ding makagat sa alinmang bahagi ng katawan pero mas attracted sila sa mukha. Ang insekto na ito ay nahahawig sa ipis pero mas maliit ito. Mayroon din itong pakpak at patulis ang nguso na ginagamit pansipsip ng dugo.

Ang pangunahing sakit na maaaring makuha mula sa kagat ng kissing bug ay ang Chagas disease, na sanhi ng protozoan parasite na Trypanosoma cruzi.

Madalas makita ang mga insekto na ito na lumalabas sa gabi kasi nocturnal na insekto ito. Ang problema kapag kinakagat ang tao ay hindi mo ito masyadon mararamdaman.

Mga Sintomas ng kagat ng kissing bug

Katulad ng ibang kagat ng insekto ang kissing bug bite ay pwedeng magdulot sa tao ng mga allergic reactions. Kasama dito ang labis na pangangati, pamumula, panta at anaphylactic (bihira ito mangyari).

Ang ibang sintomas na dulot ng insekto na ito ay ang sumusunod.

  • Pamamaga sa lugar ng kagat
  • Lagnat
  • Pagkapagod
  • Sakit ng ulo
  • Rashes
  • Kawalan ng gana kumain
  • Pamamaga ng mga kulani
  • Pamamaga ng atay o pali
  • Pagkakaroon ng Romana sign (pamamaga ng eyelid kung ang parasite ay pumasok malapit sa mata)

Kapag may mga dumi na nakuha ng insekto sa kapaligiran ay pwede ding magdulot ng secondary infections.

Ano ang Chagas Disease na nakukuha sa kissing bug?

Ang Chagas disease, na kilala rin bilang American trypanosomiasis, ay isang sakit na sanhi ng protozoan parasite na Trypanosoma cruzi. Ang sakit na ito ay pangunahing nakukuha mula sa kagat ng triatomine bug, na mas kilala bilang “kissing bug.” Ang mga kissing bugs ay karaniwang matatagpuan sa mga bahay sa rural na lugar ng Latin America, ngunit maaari ring matagpuan sa ibang rehiyon.

Habang kumakagat ang insekto na kissing bug sa tao, naglalabas ito ng mga dumi sa katawan. Sa dumi na ito namamahay ang parasite na nagiging dahilan ng mga kumplikasyon. Kapag kinamot ang bahaging kinakagat kumakalat ito sa katawan natin.

Paano makaiwas sa Chagas Disease

Pag-iwas sa Kagat ng Kissing Bug

-Panatilihing malinis ang bahay at paligid upang maiwasan ang pagdami ng kissing bugs.

-Gumamit ng insect repellent.

-Mag-install ng screen sa mga bintana at pinto.

-Gumamit ng kulambo sa pagtulog kung ang lugar ay may mataas na bilang ng kissing bugs.

Pagpapatingin sa Doktor

-Kung may kagat ng kissing bug o pinaghihinalaang may Chagas disease, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor para sa tamang pagsusuri at paggamot.

Ano ang mga gamot na pwede sa Kagat ng kissing bug

Ang mga gamot na ito ay binibigay ng doktor sa panahon na malaman kung kissing bug nga ang nakakagat sa iyo. Mga antiparasitic na gamot ito para sa parasite na galing sa kissing bug nga.

Benznidazole – Ito ay isang antiparasitic na gamot na ginagamit upang gamutin ang acute at congenital Chagas disease.

Nifurtimox -Isa pang antiparasitic na gamot na maaaring gamitin sa paggamot ng Chagas disease.

May tinatawag na dalawang phases ang epekto ng kagat ng kissing bug. Una ay ang mga sintomas na nabanggit na lumalabas ay sa unang mga linggo na tinatawag na acute phase. Pangalawa naman kung saan masyadong delikado at pwedeng makamatay sa pasyente ay ang tinatawag naman na chronic phase.

Conclusion

Ang kagat ng kissing bug ay dapat seryosohin dahil sa potensyal nitong magdulot ng Chagas disease, isang malubhang sakit na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa kalusugan. Agad na kumunsulta sa doktor kung ikaw ay nakagat ng kissing bug o kung may sintomas ng Chagas disease upang mabigyan ng tamang paggamot.

Iba pang mga Babasahin

Paano makaiwas sa Kagat ng Aso?

Ano ang gamot sa kagat ng Putakti o Wasp

May Rabies ba ang Kagat ng Baboy?

May Rabies ba ang Kagat ng Tao sa Tao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *