Ayon sa talaan ng department of Health ng Pilipinas marami sa mga Pinoy (600+ per year) lalo na sa mga bata ang namamatay taon taon dahil sa pagkakaroon ng rabies. Ang kadalasang sanhi ng pagkalat ng rabies ay sa kagat ng mga aso.
Ang rabies na ito ng aso ay naitransfer sa tao sa pamamagitan ng kanilang laway o ihi. Bukod sa aso pwede ding pagmulan ng rabies ang ibang hayop gaya ng pusa, daga, paniki o baboy.
Bakit mahalaga na umiwas sa Kagat ng Aso
Bukod sa rabies na nakamamatay na pwedeng ibigay ng kagat ng aso maraming pang sakit na pwedeng makuha dito.
Pwedeng magkaroon ng impeksyon ang sugat na nagmula sa kanilang mga kagat lalo na kung ang aso ay yung mga pagala gala sa kalye lamang. Hindi natin alam kung ano ang mga nakakain nila sa kanilang pagpunta sa ibat ibang lugar at alam naman natin na kinakain ng aso kahit ano na makita nito. Ang impeksyon na ito ay pwedeng magdulot ng tetano o cellulitis.
Kapag masyadong malalim din ang kagat ng aso pwedeng mamaga ang sugat at magkaroon ng nana pag napabayaan. Mas mabilis kumalat ang mga mikrobyo sa katawan natin kasi direkta ito na mapupunta sa dugo natin.
Para sa mga bata ang kagat ng aso ay maaaring magdulot ng emosyonal na trauma sa mga biktima, lalo na sa mga murang pagiisip nila. Ito ay maaaring magresulta sa takot sa mga aso o mga problema sa pagtitiwala sa mga alagang hayop.
Mga Sintomas ng Aso na maaring mangagat na ito
Pag-aralan ang ugali ng aso kung may potential na mangagat ito para makaiwas na bago pa man nito gawin ang paghabol sa iyo. Narito ang mga sintomas na pwede ng mangagat ang aso.
1. Pagkatapos mangahol ng aso at maging steady sa kaniyang pwesto na may matapang na pagtahol.
2. Kapag unti unting lumapit na ang aso at tumigil ng kunti na para bang tinatantya ang distance sa biktima at sa kanila. Pwedeng kina calculate na ng aso ang pagkagat at pagtakbo paalis
3. Pag-iba ng tunog ng kanilang kahol mula sa malakas na pagtahol papunta sa mabagal at mababang tunog na galit na pagkahol.
Paano makaiwas sa kagat ng Aso
Narito ang mga paraan kung paano makaiwas sa pagkakakagat ng aso.
1. Kung ikaw ay papunta sa isang bahay na madaming aso, magtanong muna sa mga may-ari kung nandon sila. Mas behave kasi ang mga aso kapag kasama ang mga amo nito at madali din silang masasaway para hindi mangagat. Itanong sa may-ari kung ano ang ayaw ng mga aso para hindi mo na ito gawin pa. Pag na-stress kasi sa atin ang aso madali lang silang magalit at magreact
2. Hayaan muna ang aso na amoy amoyin ka. Huwag gumawa ng biglaang mga hakbang palayo para hindi magulat ang aso at makapalagayang loob mo muna bago sila hawakan.
3. Kapag naglalakad ka naman sa kalsada at biglang me kumahol na mga aso iwasan ang pagtakbo palayo o palapit sa kanila. Huwag ding titigan ng deretso sa kanilang mata ang mga aso kasi may pagka territorial sila at nanghahabol ng kagat lalo na kung dadaan ka sa kanilang pwesto.
4. Kapag nagtangka naman agad na sumugod ang aso sa iyo, iharang ang anumang bagay sa kanila para hindi sila makalapit. Hindi naman basta basta didikit ang aso pero kapag malapit sa iyo ito ay may ugali na biglang nangangagat sila. Mainam na iharang ang mga upuan, payong o stick para hindi ka madikitan.
5. Sa mga bata, turuan sila na wag basta susunggaban ang mga tuta. Ipaalam din na iwasang hatakin ang kanilang buntot kasi may reflex ang aso na mangagat kapag nasaktan.
6. Kung kumakain o natutulog ang aso, iwasan ang paghipo sa kanila. Kapag naramdaman na umuungol na ang aso wag itong hawakan pa.
7. Kung marami kayo huwag dumugin ang aso para takutin. Pwede itong tumalon at mag react na kumagat.
8. Huwag pakainin sa daliri o kamay ang aso. Mas mabuting ilagay ang pagkain sa pinggan. Ang pagkain ng aso ay mabilis minsan at hindi nila tantya ang pagkagat sa pagkain.
9. Huwag kausapin ang kumakahol na aso.
Ano ang dapat gawin ng may-ari ng Aso para hindi ito makapangagat ng mga bisita o kapitbahay?
Para maturuan ang mga aso na maging disiplinado pwedeng humingi ng tulong sa mga dog trainer o beterinaryo para sa mga training discipline para kahit bata pa lamang ang alaga ay maturuan na ito.
Iwasang mag alaga ng mga aso na may history ng pagiging matapang. Alagaan lamang ang mga aso na madaling turuan lalo na kung wala kang panahon masyado para bigyan sila ng gabay.
Obligasyon din ng mga may-ari ng aso na pabakunahan taon taon ang mga alaga ng anti rabies para kahit may makagat sila ng aksidente ay hindi mo maging kargo konsensya ang nabiktima.
Kapag namamasyal naman sa labas ng bahay o sa park, lagyan ng tali ang aso para kontrolado mo kung saan lamang ito gagalaw. I-consider din na kapag napalapit ang aso sa ibang hayop ay maaring maging agresibo ito dahil sa excitement.
Iba pang mga Babasahin
Ano ang gamot sa kagat ng Putakti o Wasp
May Rabies ba ang Kagat ng Baboy?
3 thoughts on “Paano makaiwas sa Kagat ng Aso?”