November 21, 2024
Aso / Pusa

Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Isa ito sa mga madalas na tinatanong sa mga beterinaryo kung nagkakaroon ng rabies ba ang kalmot ng aso o pusa at ang simpleng sagot dito ay pwede kang mahawaan ng rabies sa kalmot ng aso o pusa.

Paano ito nangyayari? Kapag nadilaan ng hayop na may rabies ang kanilang mga kuko bago ka nakalmot ay pwedeng maipasa nga ang virus.

Base sa mga mga payo ng beterinaryo at sa mga article sa gamotsapet.com ang Rabies ng isang hayop mapa pusa man o aso na infected, ay namamahay sa kanilang dugo at laway. Kaya kapag nalawayan nila ang kanilang mga kuko at maikalmot agad sa tao ay mahahawa nga ng rabies.

Pero tandaan din na hindi naman nabubuhay ang rabies sa labas ng environment ng matagal kasi namamatay ang virus sa exposure sa hangin kapag inabot ito ng oras simula ng madilaan ng infected na hayop ang kanilang mga kuko.

Pwede din manyari na makalmot ka ng aso o pusa pero hindi naman dumugo ay walang masyadong dapat ipangamba ang pasyente. Basta sigurdaduhin lamang na walang dugo na lumabas. Ang virus kasi ay delikado lamang kapag nakapasok ito sa katawan ng tao at ang isang paraan nga nito sa pagpasok sa katawan natin ay sa pamamagitan ng dugo natin.

Sa isa pang kaso, kapag nakalmot ka ng aso o pusa pero wala namang known na sintomas ng rabies ang hayop ay dapat hindi ka mangamba. Pero ibang usapan ito kapag ang alaga natin na aso ay pagala gala at nakakasalamuha ng ibang mga hayop, namamasura at tyempo mahawa sa ibang hayop na may rabies, malaki ang tsansa na mahawaan ito ng rabies.

Ang karaniwan talagang pagpapasa ng rabies ng aso o pusa sa tao ay sa pamamagitan ng kagat, kasi may direct na kontak ang laway niya sa dugo ng tao. Kaya wag masyado kabahan kapag nakalmot ka lamang ng mga pets.

Ang pinakamainam na gawin kapag nakalmot ay hugasan ang sugat ng maigi, gumamit ng sabon na may antibacterial properties at pagkatapos ay gumamit ng antiseptic or betadine sa bahagi na nakalmot para hindi magka impeksyon ang sugat.

Paano makaiwas sa Rabies ng Aso o Pusa

1. Pabakunahan ang mga alagang aso o pusa ng anti rabies. Mas maige na may prevention method tayo para kahit makalmot ng alaga ay safe ang sinumang masugatan nito.

2. Itali o wag hayaang pagala gala ang mga alaga. Ang rabies ay nakukuha sa mga infected na na hayop at madalas sa mga ito ay nasa labasan, pero sa mga alaga natin na nasa bahay lamang ay wala naman silang rabies talaga.

3. Wag mag panic kapag nakalmot. Obserbahan ang alaga kung may mga abnormal na ugali na lalabas pagkakalmot sa iyo.

4. Humingi ng payo sa doktor para sa kapanatagan ng loob. Pwede na wala naman talaga rabies ang alaga natin pero mas maige na ang sigurado kaysa hindi nakakasiguro.

5. Ang anti rabies vaccine sa tao ay sa doktor ang dapat puntahan. Para sa mga alaga na aso ay sa beterinaryo naman dapat kumuha ng injection.

6. Kapag expose ka sa kalmot o kagat ng pets sa bahay, magkaroon ng regula anti rabies vaccination.

Listahan ng Animal Bite Center sa Laguna

Laguna Provincial Hospital

Address: Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna

Telepono: (049) 501-1268

San Pablo City General Hospital

Address: P. Alcantara St, San Pablo City, Laguna

Telepono: (049) 562-0726

Los Baños Doctors Hospital and Medical Center

Address: Lopez Avenue, Batong Malake, Los Baños, Laguna

Telepono: (049) 536-0100

Calamba Medical Center

Address: Crossing, Calamba City, Laguna

Telepono: (049) 545-7371

Perpetual Help Medical Center

Address: National Highway, Biñan City, Laguna

Telepono: (049) 511-8680

St. James Hospital

Address: Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna

Telepono: (049) 511-0488

Majayjay Health Center

Address: Brgy. Pangil, Majayjay, Laguna

Telepono: (049) 573-3110

Siniloan Rural Health Unit

Address: Brgy. Bagong Pag-asa, Siniloan, Laguna

Telepono: (049) 813-0046

Laguna Doctors Hospital

Address: Brgy. San Pedro, Sta. Cruz, Laguna

Telepono: (049) 501-1611

Community General Hospital of San Pedro

Address: National Highway, San Pedro City, Laguna

Telepono: (02) 869-6043

Iba pang mga Babasahin

Maliit na kagat ng Aso dapat bang ikabahala?

Mabisang Gamot sa Kagat ng Aso – First aid at Pag iwas sa Impeksyon

Mabisang Gamot sa Kagat ng Aso – First aid at Pag iwas sa Impeksyon

Kung nakagat ng Pusa pwede bang hindi magpa bakuna ng Anti Rabies?

2 thoughts on “Pwede bang magka Rabies sa Kalmot ng Aso o pusa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *