January 28, 2025

Gamot sa Kagat ng Alupihan

Nasubukan mo nabang makagat ng Alupihan o centipede? O baka hindi molang alam na kinagat kana pala nung tulog ka at may nakita ka na pamamaga sa iyong kamay.

Pag-aralan natin sa article na ito ang mga sintomas ng kagat ng Alupihan at posible na first aid na pwedeng gawin.

Anong klase ng insekto ang Alupihan?

Ang alupihan o centipede ay isang carnivorous na insekto. Ibig sabihin kumakain sila ng mga maliliit pa na insekto at mga worms na kanilang nakikita. Para madali nilang makuha ang kanilang prey, mayroong venom ang kagat ng Alupihan.

Ang venom na ito ang nagbibigay ng sobrang sakit sa tao kapag aksidenteng kinagat tayo. Hindi natural na kaaway ng tao ang mga alupihan kasi doon lang sila sa madidilim na lugar naninirahan. Kumakagat lamang sila kapag nabulabog sila o nagulat. May mga pagkakataon na naamoy nila sa tao ang mga pagkain nila halimbawa hindi ka nakapaghugas ng maigi ng kamay kaya may mga insedente na kinakagat ang isang tao.

Ang karaniwang Venom ng alupihan o centipede ay ang chemicals na gaya ng histamine, serotonin, at cardio-depressant toxin-S.

Madalas makita ang alupihan sa mga lugar na ito sa Pilipinas;

-kakahuyan

-garden

-basement

-kusina

-tukador

-ilalim ng aparador

Ang alupihan ay lumalaki ng isang talampakan hanggang 7 inches. May mga mas malaki pa na klase ng alupihan na makikita sa mga gubat. Pero ang kadalasang kumakagat sa mga tao ay maliliit na klase ng alupihan (1 – 3 inches ang laki)

Paano kumakagat ang Alupihan o Centipede

Mayroong dalawang matulis na pangil sa bandang ulo ang alupihan. Dito nanggagaling ang kanilang mga venom.

Karaniwan silang nangangagat kapag inapakan natin (madalas sa mga nanay na naglilinis ng mga gamit), hinawakan o sa gabi kapag gumapang sa mga tao (kadalasan sa kamay o mga binti natin).

Sintomas ng Kagat ng Alupihan

Paano natin masasabi na ang insekto na kumagat sa atin ay isang Alupihan?

-Mayroong dalawang bite marks

-Sobrang hapdi ng kagat nito na pwedeng umabot ng ilang oras hanggang ilang araw

-Magkukulay red ang nakagat na bahagi at nagkakaroon ng pamamaga

-Ang kagat nito ay maihahalintulad sa sakit ng kagat ng Bees

-Kapag mayroong allergic reaction ang nakagat pwedeng magresulta ito sa lagnat, panginginig, heart palpitation at labis na pangangati

-Anaphylaxis o labis na allergic shock sa tao (nakamamatay)

Ano ang pwedeng gawin kapag nakagat ng Alupihan o Centipede?

1. Hugasan ng malinis na tubig ang sugat

2. Lagyan ng cold compress ang bahaging nakagat para maiwasan ang labis na pamamaga

3. Para maibsan ang labis na sakit ng venom ng alupihan pwede ding gumamit ng hot compress

4. Para maiwasan ang allergic reaction na sobra pwedeng gumamit ng antihistamines, anesthetics at anti-inflammatory drugs.

5. Sa malubhang kagat pwedeng humingi ng payo sa doktor para sa anti tetano vaccine. Posible kasi na carrier ng mga malubhang bacteria o pathogens ang alupihan dahil nasa marurumi silang lugar kagaya ng ipis.

Conclusion

Kapag ang kagat ng alupihan o centipede ay maliit at wala namang masyadong venom na pumasok sa bahagi ng kagat, ang mga simpleng home remedy ay pwede na rito.

Tandaan na kapag may severe symptoms ang kagat ng alupihan, sumangguni agad sa doktor para sa tamang gamot at mapigilan ang anumang malubhang kumplikasyon

Iba pang mga babasahin

Natural na Pamatay ng Anay Home remedy

Mabisang Pamatay ng Anay: Solusyon sa Peste na Anay

Shampoo Pantanggal ng Kuto: Mabisang pamatay ng Kuto

One thought on “Gamot sa Kagat ng Alupihan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *