Gaano nga ba katagal talaga ang isang anti rabies vaccine sa katawan ng isang tao. Yan ang talakayin natin ngayon dito sa article natin na ito.
Paano malaman ang tagal ng bisa ng Anti Rabies Vaccine
Ang kasagutan niyan is depende sa brand ng anti rabies vaccine na ibinibigay sa inyo o ini-rekomenda sa inyo ng isang doctor. Ang tanging makakasagot lang dito ay kung sino talaga yung nagbigay sa iyo o kung sino ang nagrekomenda sa inyo ng isang gamot. Pwede din kung sino yung vaccinator sa inyong lugar ay siya ang makakasagot kung gaano ba katagal ang bisa ng isang anti rabies na ibinibigay sa inyo.
Sigurado naman na ibinibigay ito sa inyo at ipinagbibigay alam kung gaano katagal ang bisa ng isang gamot o anti rabies vaccination na naibigay sa inyo para sa inyong awareness and then ibinibigay din sa inyo especially in public facility o kung saan kayong hospital na nasa publiko o animal bite center.
Commonly kasi sa mga public hospital is nagbibigay sila ng libre ng una depende sa bayan. So commonly is nagbibigay sila ng una at pangalawang doses na libre.
Doonn sa pangatlo, kung ang recommendation sa inyo is hanggang apat na doses ng isang gamot, ang pasyente ang mag provide ng pangatlo at tsaka yung pang apat na gamot na isasaksak ng doctor.
Ipinapaalam din nila sa inyo kung ano yung brand na ibinibigay nila, kasi hindi pwedeng ibang brand ang kasunod ng bakuna. meron kayo
So doon pa lang malalaman niyo na at ipapaliwanag nila sa inyo kung gaano katagal ang bisa ng isang gamot pero commonly, so bibigyan ko kayo ng idea dito.
Commonly sa mga gamot na ibinibigay ng doktor sa atin is 2 -3years ang bisa nito.
Mga Bisa ng Vaccines na kailangan para sa Anti Rabies
Post-Exposure Prophylaxis (PEP) para sa Rabies
Unang Beses na Bakunado:
Kung ang isang tao ay nakagat o na-expose sa rabies at hindi pa nababakunahan dati, karaniwang tumatanggap sila ng serye ng apat na dosis ng rabies vaccine sa loob ng 14 na araw (sa mga araw na 0, 3, 7, at 14) kasama ang isang dosis ng rabies immunoglobulin sa araw na 0.
Ang immunity na ibinibigay ng kumpletong PEP regimen ay karaniwang epektibo para sa agarang banta at nag-aalok ng proteksyon para sa ilang buwan.
Nabakunahan na Dati:
Kung ang pasyente ay dati nang nabakunahan laban sa rabies, maaaring kailanganin lamang ang dalawa pang dosis ng rabies vaccine (sa mga araw na 0 at 3) at hindi na kailangan ng rabies immunoglobulin.
Ang immunity mula sa mga booster doses ay tumatagal ng ilang taon, at inirerekomenda ang regular na pag-booster para sa mga taong mataas ang panganib ng re-exposure tulad ng mga beterinaryo o mga taong nagtatrabaho sa mga hayop.
Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP)
Ang mga tao na may mataas na panganib na ma-expose sa rabies, tulad ng mga beterinaryo, ay maaaring makatanggap ng pre-exposure prophylaxis na binubuo ng tatlong dosis ng bakuna (sa mga araw na 0, 7, at 21 o 28).
Ang bisa ng bakuna ay tumatagal ng ilang taon, at inirerekomenda ang booster doses tuwing 2-3 taon depende sa antas ng panganib ng re-exposure.
Listahan ng Animal Bite Center sa Taguig
Upper Bicutan Health Center
Address: CIM Court Blk. 74 Phase 4, Upper Bicutan
Contact Numbers: 0961-734-0858, 0961-704-4347
Ligid Super Health Center
Address: 17 Ordoñez St., Ligid, Taguig City
Contact Number: 0961-704-4388
North Signal Super Health Center
Address: Ipil-Ipil Street, Zone 1, North Signal Village
Contact Number: 0929-642-0874
VC Building Animal Bite Treatment Center
Address: VC Building, 2 Bayabas, Western Bicutan, Taguig, 1630 Metro Manila
Contact Number: 0999-449-9193
Animal Bite Center in Barangay North Signal
Address: General Luna Street, Ususan, Taguig, 1631 Metro Manila
Contact Number: (02) 394-8522
Iba pang mga Babasahin
Ilang taon ang epekto ng Anti rabies sa tao
Ano ang mga Senyales ng Rabies sa Aso o Pusa : 8 na Signs
One thought on “Gaano katagal ang Anti Rabies sa Katawan ng Tao – Paano malalaman”