Alamin ang mga dapat gawin kapag nakagat ng ahas. Ito ay mahalaga dahil sa maaaring magligtas ito ng buhay at makaiwas sa malalang komplikasyon. Ang kagat ng ahas, lalo na kung ito ay mula sa makamandag na uri, ay maaaring magdulot ng mabilis na pagkalason sa dugo at mga organs, na maaaring magresulta sa pagkamatay kung hindi maagapan.
Gaano kabilis na maaari kang mamatay kung ikaw ay kinagat ng isang venomous snake?
As early as thirty minutes, pwede kayong mamatay kung kayo ay kinagat ng o nakagat ng ahas na may kamandag. Pag-aaralan natin sa article na ito kung ano ang mga first aid o kung anoang dapat niyong gawin kung kayo ay nakagat ng ahas.
Mga First aid o gagawin kapag kinagat ng ahas
Number one , kung meron kayong access sa soap and water, tubig at sabon, hugasan ninyong mabuti ang inyong sugat. Katulad ito ng pagkakagat ng aso o pusa, hugasan nating maigi.
Number two, huwag na huwag niyong lalagyan ng yelo ang sugat o ang kagat ng ahas. Bakit? Kasi mawawalan ng blood circulation. Ano ang ibig sabihin ng mawawalan o madedecrease ang blood circulation? Maaaring magkaroon ng necrosis o maaaring mamatay ang lugar na kinagat, maaaring mamatay yung mga cells doon sa spot mismo kung saan kayo kinagat ng ahas. So yan ang ibig sabihin niyan.
Ganun din, wag nyo rinng lagyan ng tourniquet o wag nyong talian para yung iniisip natin na hindi kumalat yung venom sa katawan ng tao o sa katawan ninyo, wag nyong talian.
Huwag na huwag niyong sisipsipin o tatangkain na tanggalin yung kamandag ng ahas sa pamamagitan ng pagsipsip doon sa lugar kung saan nakagat ng ahas. Usually na nakikita natin ito sa mga pelikula. Kasi ako, last time nung hindi ko pa alam yung mga ganyan, naniniwala ako na kapag sinipsip ng nung tao yung site kung saan mayroong snake bite, matatanggal yung venom. So mali yan.
Magpunta a pinakamalapit na hospital at magpasaksak tayo ng anti-venom. Sa ngayon ito ang pinakamabisa na gamot laban sa kagat ng ahas, lalo na kung poisonous yung nakakagat sa inyo ng ahas. Anti-venom lang ang pwedeng gamot natin.
Paano ginagawa ang anti-venom sa kagat ng ahas
Kumukuha ng venom o ng kamandag sa ahas, ng small amount lang naman ng kamandag sa ahas. Pagkatapos i-inject nila yan sa either horse or sheep, kabayo o tupa, para magkaroon o ma-farm ang antibodies ng hayop. Dito sa venom ngayon ihaharvest nila yan. Ihaharvest nila yung parang serum o yung white na transparent na component ng blood nila. Tapos yan yung ginagawang injection o vaccine o anti-venom vaccine.
Ano ang epekto ng kagat ng ahas kapag ikaw ay natuklaw?
Kung kayo ay nakagat ng hinihinalang makamandag na ahas so syempre masakit dun sa may part kung saan kayo na nakagat. Tapos magkakaroon diyan ng swelling o yung pamamaga. Tapos maaari sa ilang cases yun, yung katulad ng sinabi ko, magkakaroon ng necrosis o kung saan mamamatay po yung mga cells dun sa paligid ng part na nakagat ng ahas.
Syempre, ninenerbyos kadin, takot ka kasi knowing na pag nakagat ako ng ahas, kahit hindi pa siya makamandag, di ba ang mentality natin kapag nakagat ng ahas, ang chance mo na mamatay is very high kasi iniisip natin di ba lahat ng ahas makamandag.
Meron din tingling o parang namamanhid dun sa part kung saan tayo nakagat. Sa instances ng mga venomous snake o yung mga nakakalason o yung may mga kamandag na ahas, ang nararamdaman natin is nahihirapan tayong huminga. In some instances, nagkakaroon din po tayo ng nausea, yung pakiramdam na parang naliliyo tapos yung parang nasusuka tayo. In worst-case scenario syempre yung mamamatay. Kaya ang pinaka the best na gagawin natin is tumakbo sa hospital, to the emergency department.
Wag na wag niyo nang patayin ang ahas at wag niyo na itry na gumanti o wag niyo nang itry na alamin kung anong klase ng ahas yung nakakagat sa inyo kasi mas iniexpose niyo lang yung sarili niyo into danger.
Ano ang gawin natin, once na nakagat na tayo ng ahas?
Keep still lang, don’t move, hayaan na natin ang ahas na umalis. Wag na nating hampasin o habulin pa. Katulad ng nabanggit, tumakbo sa nearest hospital. At kung tayo ay mamumundok o pupunta tayo sa mga makakahawi na lugar o yung mga kung saan merong posibilidad na may ahas, magsuot tayo ng boots. Kasi usually yan naman yung mga area kung saan tayo kadalasan nakakagat sa kamay at tsaka sa paa. So usually sa paa po, sa legs.
Animal bite centers sa Calamba
Parian Animal Bite Clinic
- Address: Parian, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 545 6789
Calamba Doctors’ Hospital
- Address: National Highway, Parian, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 545 7371
Global Care Medical Center of Canlubang
- Address: J. Yulo Ave., Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 549 1581
HealthServ Los Baños Medical Center
- Address: National Highway, Batong Malake, Los Baños, Laguna
- Telephone: +63 49 536 1234
St. John the Baptist Medical Center
- Address: Halang, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 834 1433
Pansol Animal Bite Treatment Center
- Address: Pansol, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 545 1234
Calamba Medical Center
- Address: Crossing, Calamba City, Laguna
- Telephone: +63 49 545 9370
Iba pang mga babasahin
May Rabies ba ang rabbit o kuneho?
Nakagat ng Aso 3 months ago, may Rabies ba?
Gaano katagal ang Anti Rabies sa Katawan ng Tao – Paano malalaman