Masakit po at malaki ang maga sa kamay ko, sabi nila baka kagat ng ipis
Hello Marie,
Ang kagat ng ipis ay maaaring magdulot ng pamamaga at pangangati sa lugar na kinagat nito. Ang sintomas na maaaring maranasan kapag ikaw ay kinagat ng ipis ay maaaring katulad ng mga sumusunod: pamamaga, pangangati, pamumula, at pangingilo.
Ang pamamaga ng kagat ng ipis ay mas malaki kaysa sa pantal na dulot ng kagat ng lamok at ang kati ay mararamdaman mo hanggang sa loob ng kamay.
Base sa description mo ay posible na kagat nga iyan ng ipis.
Para sa agarang lunas o home remedy, pwede mo itong lagyan ng cold compress para mabawasan ang pamamagaga at pahiran ng aloe vera ointment para sa maibsan ang pangangati.
Kapag ikaw ay nabiktima ng kagat ng ipis at mayroon kang mga sintomas na nabanggit, mahalaga na agad kang kumonsulta din sa isang doktor o health professional upang ma-diagnose ng maayos ang kalagayan at makakuha ng tamang pangangalaga at lunas.
Gayundin, mahalaga na linisin at disinfect ang lugar ng kagat upang maiwasan ang impeksyon at iba pang mga komplikasyon.
Salamat sa iyong katanungan.
GamotsaKagat.com